TINGNAN: Charo Santos-Concio, isa ring bampira sa 'La Luna Sangre?'

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2017 05:30 AM | Updated as of Jul 15 2017 03:55 PM

MANILA -- Marami ang natuwa sa cameo ng dating presidente at CEO ng ABS-CBN Corp. na si Charo Santos-Concio sa "La Luna Sangre" nitong Biyernes ng gabi. 

Isa ang karakter ni Santos-Concio sa mga itinuturong ma-impluwensiyang bampira ni Prof T (Albert Martinez). 

Ayon kay Prof T, maraming bampira ang may hawak ng matataas na posisyon sa gobyerno, pati na sa pribadong sektor. Isa na rito si Santos-Concio na lider umano ng isang international corporation. 

Marami ang nagbahagi ng kanilang reaksiyon sa social media. Ang ilan ay nagsabing aasahan nila ang paglabas ni Santos sa serye. Narito ang ilan sa mga tweets: 

Kasalukuyang ABS-CBN chief content officer, executive adviser to ABS-CBN chairman Eugenio Lopez III, at presidente ng ABS-CBN University si Santos-Concio.

Siya rin ang host ng "MMK," ang pinakamahabang drama anthology sa Pilipinas. Pinagbidahan din niya ang multi-awarded indie film na "Ang Babaeng Humayo." 

Tutukan kung lalabas nga si Santos-Concio sa "La Luna Sangre" tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng "Ang Probinsyano." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.