PANOORIN: Beauty at Dimples, nagkaiyakan sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 11:55 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi napigilan nina Beauty Gonzalez at Dimples Romana ang maiyak sa pasasalamat nila sa kani-kanilang ginagampanang karakter sa sikat na seryeng "Kadenang Ginto."

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, naging emosyonal ang dalawa nang ibahagi ang pagbabagong dulot ng serye sa kanilang buhay.

"Salamat Romina, kasi binago mo ang buhay ko. Ngayon nararamdaman ko na after 10 years, mayroon pala akong talent, may purpose pala ang buhay ko. I can be an inspiration for everyone and it means a lot," ani Beauty na kilala bilang si Romina Mondragon sa "Kadenang Ginto."

"Ako salamat Daniela kasi tinuturuan mo akong maging matapang. Tinuturuan mo akong ipaglaban kung ano ang dapat sa akin. Tinuturuan mo ako na ipagtanggol ang pamilya mo. Tinuruan mo ako na kahit gaano kasama ng ugali ng tao, kapag dumating ang panahon na kinailangan ang tulong mo ng iba, ibibigay mo ang tulong mo," ani Dimples na kilala ngayon sa kanyang karakter bilang Daniela Mondragon.

"At saka alam mo hindi ko in-expect na si Daniela ay kayang mahalin ng marami. Hindi ko in-expect. Kasi iniisip ko kontrabida ako rito, ready ako. Alam ko na maba-bash ako rito, ready ako. Niyakap ko talaga si Daniela nang buong-buo dahil iniisip ko ito ang posisyon ko sa karakter ko, ito ang maitutulong ko sa show, gagawin ko ito. Pero ngayon with everything that I'm seeing, kaya pala niya ang magpasaya. 'Yung kahit gaano kasama 'yung nakikita mo sa panlabas kapag kinakailangan magbigay ng tulong gagawin and that is alive in the show," dagdag ni Dimples.

Tuluyan nang nagkaiyakan ang dalawang aktres nang magpasalamat si Beauty kay Dimples bilang kontrabida sa serye.

"May I just grab this opportunity to thank you talaga. Kasi I wouldn't be Romina right now if weren't for you. Kasi sa totoo lang you need to have a really bad antagonist to have a good protagonist. Totoo. Thank you talaga. Kasi hindi naman ako gagaling as Romina kung hindi niya ako sinusundutan ng bongga. So thank you," ani Beauty.

Para sa Book 3 ng "Kadenang Ginto," aabangan din ng mga manonood ang pagpasok ng bagong karakter na gagampanan naman ni Richard Yap.

Mapapanood ang "Kadenang Ginto" mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "It's Showtime."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.