Dimples Romana, naluha sa engagement ni Angel Locsin

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 01:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi napigil ni Dimples Romana ang lumuha nang maikuwento ang tungkol sa naging parte niya sa nangyaring engagement ng kanyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, sinabi ni Dimples na ito ang unang beses na ikukuwento niya ang nangyari sa proposal ng nobyo ni Angel na si Neil Arce na tumawag sa kanya para hingin ang kanyang tulong.

"Neil called me few weeks before the proposal. Sabi niya 'Dimps, busy ka? May sasabihin ako sa iyo.' So iniisip ko 'ano kaya ito?' Kasi nagugulat ako. Remember sa tagal naming magkaibigan ni Gel, may dalawa akong inabutan. So sabi ko Neil, 'Ano ba yon, titigil ba ako maglakad, uupo ba ako?' Sabi niya, 'Hindi, magpo-propose na ako kay Gel.' Diyos ko ate ang iyak ko, pumalahaw ako ng iyak. Parang ako 'yung pagpo-proposan. Sabi ko, 'Neil, thank you so much for making me so happy.' Eto na naman naalala ko na naman," ani Dimples na tuluyan nang naluha.

"Naiiyak ako. Kasi, you know, Angel is such a good person. She deserves somebody who's going to take care of her. I want her to have the best time of her life and now is the best time. Parang ramdam na ramdam ko. Sobrang alaga kasi ni Neil kay Gel. Nakakatuwa lang na naging parte ako noon," dagdag ni Dimples.

Ayon kay Dimples, ang kunwaring pagpapagawa ng friendship ring ang naisip niyang paraan para makuha ang sukat ng daliri ni Angel para sa singsing na bibilhin ni Neil.

"Friends kami ng mga assistant ni Gel so tinawagan ko. Sabi ko, 'Ate punta ka nga dito, dalhan mo nga ako ng singsing ni Gel kasi gagawan ko siya ng terno ring namin.' Sabi ko 'yung sa akin 'yung may 'bestfriends' sa kanya yung 'forever', 'bestfriends forever,'" kuwento ni Dimples.

Ani Dimples, ikinatuwa niya rin ang naging desisyon ni Neil na kausapin ang ama ni Angel para magpaalam sa kanyang gagawing proposal.

"I think that was the sweetest gesture because si Daddy ni Angel spoke to Neil and the rest is history. The proposal happened on Father's Day," ani Dimples.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.