'La Luna Sangre': Supremo, nilipol ang kampo ng mga lobo

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2017 02:26 AM

Tuluyan nang nasundan ng hukbo ni Supremo (Richard Gutierrez) ang kampo ng mga lobo nitong Lunes ng gabi sa "La Luna Sangre." 

Gaya ng inaasahan, naging madugo ang sagupaan sa pagitan ng dalawang kampo. Marami ang nasawi, at halatang dehado sa laban ang mga lobo. 

Matapos ang ilang taong pagpapalakas, wala pa rin ni isa sa kanila ang kayang tumapat kay Supremo. Dahil sa isang kumpas lang ng kamay, agad niyang napapatay ang bawat kalabang kaharap. 

Samantala, wala namang nagawa si Malia (Kathryn Bernardo) kundi ang sumigaw habang unti-unting napapatay ang mga taong nakasama niya sa paglaki. 

Hindi pa rin lumalabas ang kanyang kapangyarihan, at hindi pa niya nadidiskubre ang kanyang potensyal bilang "Bagong Itinakda." 

Sa ngayon, katulad ng mga nakaligtas na lobo, kinakailangan niya munang magtago at mag-ipon ng lakas hanggang sa susunod na paghaharap nila ni Supremo. 

"Tutukan ang mga susunod na kaganapan sa "La Luna Sangre" pagkatapos ng "Ang Probinsyano." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.