PANOORIN: Daniela, Romina ng 'Kadenang Ginto' nagtarayan sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2019 02:02 PM | Updated as of Jul 07 2019 02:52 PM

MAYNILA — Dinala sa "ASAP" stage nina Beauty Gonzales at Dimples Romana ang tarayan ng kanilang mga karakter sa hit afternoon drama na "Kadenang Ginto."

Suot ni Daniela (Romana) ang pulang dress at hila-hila ang pulang maletang naging laman ng internet memes kamakailan habang naka-gintong dress naman ang kaniyang stepmother na si Romina (Gonzales).

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ipakilala ni Regine Velasquez sina Daniela at Romina bilang "mga Mondragon," sinampal pa ni Daniela ang "Asia's Songbird."

"Just to get things straight, I am a Mondragon. I am the only Mondragon. So huwag niyo akong ihehelera sa isang cheap gold digger gaya ni Romina," ani Daniela.

Bumuwelta naman si Romina at sinabing hindi makukuha ni Daniela ang respeto ng mga tao dahil sa pag-uugali nito.

Matapos ang kanilang skit, inanyayahan nina Gonzales at Romana ang mga manonood na patuloy na suportahan ang "Kadenang Ginto," na ngayon ay nasa ikatlong na nitong season.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.