Vice Ganda, balik-'Showtime' matapos maospital

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 03:49 PM | Updated as of Jul 05 2019 02:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bumalik na sa "It's Showtime" si Vice Ganda nitong Huwebes matapos maospital ng ilang araw.

Sa kanyang pagbabalik, nagpasalamat si Vice Ganda sa lahat ng mga taong nagdasal para sa agaran niyang paggaling.

"Maraming-maraming salamat po sa inyo, sa lahat ng mga nagmamahal at nagdasal para sa akin I'm so healthy. Negative lahat ng tests ko. Na-sad ako, nag-expect ako nang konti lalo na 'yung ultrasound may nakita na akong ulo pero nadurog siya agad," biro ni Vice Ganda.

Nagpasalamat din si Vice Ganda sa mga doktor at hospital staff na nag-alaga sa kanya.

Hindi man sinabi ang dahilan kung bakit siya naospital, ibinahagi ni Vice Ganda na may nakitang problema sa kanyang tuhod.

"Barag ang tuhod ko, kasi nagpa-check na ako ng lahat. Nalaman may tear ako, meniscus, kaya di ako makapag-badminton lately," kuwento ng komedyante.

Para sa mga manonood, nagpayo pa si Vice Ganda sa kahalagahan ng kalusugan.

"Alam mo, you have to take care of your health para masaya tayo. It's not bad to rest once in a while. Just don't quit, just rest. When your body is telling you that you have to rest, just rest. Dedmahin niyo ang mga boss niyo na galit lagi kapag uma-absent kayo. Paminsan-minsan mas maniwala kayo sa inyong nararamdaman kaysa sa boss niyo. Kasi kapag kayo ay namatay papalitan lang kayo ng boss niyo. Pero kapag katawan niyo ay sumakit, hindi kayo makakahanap ng bagong katawan. So you have to take care of your body and your well-being," ani Vice Ganda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.