Melai, hiling ang dasal para sa mga miyembro ng Kongreso

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2020 12:46 PM

MAYNILA -- Panalangin ang hiling ni Melai Cantiveros para sa mga miyembro ng Kongreso na makapagdesisyon ang mga ito ng tama ukol sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN na ipinatigil ang pagbobrodkast noong Mayo 5.

Ngayong Huwebes, muling magpapatuloy ang pagdinig sa Kongreso hinggil sa pagbibigay ng prangkisa para makapag-broadcast muli ang ABS-CBN. 

Sa Instagram, gamit ang hashtags #IbalikAngABSCBN at #WeNeedABSCBN, sinabi ni Melai na ang panalangin ay para makapagdesisyon ang mga mambabatas ng tama at para sa ikabubuti ng nakararami.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Melai Cantiveros - Francisco (@mrandmrsfrancisco) on

"Humihingi po ako ng tulong sa patuloy na pagdarasal na magabayan ng maayos ng desisyon ng ating mga kongresista, na sana ay para sa kabutihan ng lahat at di sa pansarili at makamundo lamang. 'Di po 'yan deserve ng mga boss namin na 'di man lang makatapos sumagot, tanong naman, nasasaktan po kami kasi ang bubuti ng mga boss namin. Maaring 'di rin alam ng boss nmin ang mga nangyayari sa ilalim, kaya sana mabigyan na po kami Lord," ani Melai sa caption.

Samantala, nauna na ring nakiusap at humiling ng awa sa Kongreso ang kasamahan ni Melai na host sa "Magandang Buhay" na si Karla Estrada para sa mga maaring mawalan ng trabaho.
 
"Maawa naman po kayo sa libo-libong pamilya na maaaring magutom 'pag nawalan ng trabaho. Have mercy," ani Karla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.