Sue Ramirez bibida sa concert sa Hulyo 19

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2019 09:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pagkatapos ng tagumpay ng pelikulang "Sunshine Family," sunod na aabangan ang aktres na si Sue Ramirez sa kaniyang paparating na concert.

Ani Ramirez, handa na niyang ipakita ang kaniyang ibubuga pagdating sa pagkanta. 

Ito rin ang kaniyang kauna-unahang concert. 

Kabado man, aniya, nagpalakas siya ng kaniyang loob sa mga taong full support sa pagtatanghal. 

"Medyo nag ka-cram ako pero I'm so excited na gawin lahat with the help of the people around me," ani Ramirez. 

Nagpapasalamat din si Ramirez sa mga biyayang natanggap niya. 

"Thankful (ako) sa lahat talaga especially kay God na binigyan niya ako ng ganito kadaming blessings all at the same time," ani Ramirez. 

Gaganapin ang kaniyang concert, na pinamagatang "Rock Chic" sa Hulyo 19 sa Music Museum. 

--Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.