JM de Guzman, handa na nga ba sa bagong pag-ibig?

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2018 11:57 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ng aktor na si JM de Guzman na hinahanap-hanap na niya ang magkaroon ng buhay pag-ibig.

Sa "Magadang Buhay" nitong Lunes, unang nagbahagi ang ina ni JM tungkol sa bagay na nami-miss ng kanyang anak.

"Gusto nang magka-love life. Na mi-miss niya 'yung may nagtatanong sa kanya na 'kumain ka na ba? Natulog ka na ba?" ani Han, ina ni JM.

Ayon sa aktor, kahit na mi-miss niya ang pakiramdam na nasa isang relasyon ay hindi pa siya handa sa ngayon.

"Kailangan hindi siya nasa-priority ko or hindi siya necessity for me now," ani JM. "Lalo na ngayon ang daming ibinigay sa akin na hindi ko deserve. I need to make the most out of it at ipakita ang best behavior ko towards accepting those blessings."

Kung ang ina naman ng aktor ang tatanungin, nais na niyang magkaroon ng apo sa anak.

Sa ngayon ay bida si JM sa serye na "Araw Gabi" kasama si Barbie Imperial. Ito ang unang proyekto ni JM sa kanyang pagbabalik sa telebisyon matapos pumasok sa rehab.

Maliban sa pagbabalik-serye, susubukan na din ni JM ang maging isang movie producer.

"Ito pong gagawin ko na next na movie, parang binigyan kami ng opportunity ng TBA na mag-co-produce kami ni Rhian (Ramos) ng certain amount lang naman," ani JM.
 
Ibinahagi rin ni JM na malapit na malapit na ang kanilang graduation o pagtatapos sa rehabilitation center.

"Last meeting namin last week, kaming mga graduating iba 'yung feeling kasi alam na namin na ito na 'yung opportunity para ma-recognize ang paghihirap na 'yon. Excited kami na makuha yon," ani JM.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.