Angeline Quinto, nanatiling positibo ang pananaw sa gitna ng krisis

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2020 11:43 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nanatiling positibo ang pananaw ni Angeline Quinto sa gitna ng krisis dala ng COVID-19 dahil naniniwala siya na ang lahat ay may hangganan.

Ayon pa kay Angeline, kailangan niyang maging positibo at matapang para kay Sylvia "Mama Bob" Quinto na umampon at nagmahal sa kanya na parang isang tunay na anak.

"Alam naman natin lahat ito ay lilipas," pauna ni Angeline sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

"Alam naman ng lahat na kami lang ni Mama Bob 'yung laging kasama sa bahay. At saka si Mama Bob, alam na alam niya at sanay na sanay siya na strong akong tao, so hindi ko kayang ipakita sa kanya na ganito ang nangyayari sa paligid natin, pati ako ay magiging mahina, kasi maapektuhan siya," ani Angeline.

Dagdag ng mang-aawit: "Kaya every time na nakikita ako Mama Bob, nagkukuwentuhan kami. Lahat kinukuwento ko sa kanya kahit sa trabaho natin, lahat masaya lang."

Ayon kay Angeline, maliban kay Mama Bob, mayroon din siyang isang kaibigan na nakakaalam at pinagsasabihan naman niya ng kanyang takot at kalungkutan.

"Mayroong isang tao na siya lang 'yung lagi kong pinagsasabihan o ang laki ng problema ko. Pero hindi talaga kay Mama," ani Angeline na ginagawa ang lahat para mapanatiling panatag ang kalooban ng kanyang ina.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.