JC Alcantara, Tony Labrusca nagpapasalamat sa 'Hello, Stranger' viewers

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2020 03:34 PM | Updated as of Jun 28 2020 08:28 PM

Bida sina Tony Labrusca at JC Alcantara sa boys' love series na "Hello, Stranger." Black Sheep

MAYNILA — Nagpasalamat sina JC Alcantara at Tony Labrusca sa lahat ng mga sumuporta at nanood sa unang episode ng kanilang boys' love (BL) series na "Hello, Stranger."

Nanguna ang hashtag na #HelloStrangerEP1 sa listahan ng local trending topics ng Twitter isang oras matapos ilabas noong Miyerkoles ang unang episode ng "Hello, Stranger" sa Facebook at YouTube page ng Black Sheep.

"Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga BL fans community sa buong bansa at maraming maraming salamat na rin po sa mga fans namin na nandiyan, nagmamahal at sumusuporta sa'min," ani Alcantara.

"Sana samahan niyo kami hanggang dulo," dagdag niya.

Watch more in iWant or TFC.tv

"I just wanted to say a big thank you to everyone who's watching and supporting 'Hello Stranger,'" sabi naman ni Labrusca.

"Thank you so much to the BL community and to all the BL fans who have been watching," ani Labrusca.

Umabot na rin sa ibang bansa ang bagong digital series.

Katunayan, maraming video blogger sa ibang bansa ang nag-upload ng kanilang reaction video sa unang episode.

"Sa lahat ng international viewers, sa mga nag-video reactions, sobrang nakakataba ng puso 'yong mga feedback niyo sa'min," ani Alcantara.

Binuo ang "Hello, Stranger" sa gitna ng pagsikat ng BL genre — o iyong mga serye at pelikulang tampok ang love story ng 2 lalaki — sa Pilipinas, kasunod ng tagumpay ng Thai series na "2gether." -- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.