Julia, Joshua balik sa 'best friends' ang status

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2019 08:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Balik sa pagiging matalik na magkaibigan sina Julia Barretto at Joshua Garcia matapos kumpirmahin nitong Biyernes na may pinagdadaanan sila. 

Matapos ang ilang buwang ispekulasyon, ganap nang inanunsiyo ng tambalang "Joshlia" na hindi na muna sila magkasintahan.

"May pinagdaanan lang kami, normal couple na pinagdaanan pero okay kami ngayon. Masaya kami ngayon and napagdesisyon na for now..." ani Garica, na tila iniintay si Barretto na magsalita. 

"For now, babalik muna kami sa pinagsimulan namin, we're now best of friends. We managed to be the bestest of friends," pagpapatuloy ni Barretto. 

Nilinaw din ng dalawa ang sari-saring isyu ukol sa kanilang relasyon, partikular na ang umano'y pagkakaroon ng third party. 

"No, absolutely not," paglilinaw ni Barretto, ukol sa umano'y pagiging malapit nila ni Gerald Anderson matapos gawin ang pelikula nilang "Between Maybes."

"Hindi naman totoo 'yun. Hindi naman magagawa ni Gerald 'yun. Parang kuya ko na si Gerald," sambit naman ni Garcia.

Sinagot din ni Garcia ang pagkakaugnay sa kaniya sa isang talent sa kabilang network.

"Hindi po totoo 'yun, kaibigan ko lang po 'yun. Alam niyo naman po dito sa showbiz nabibigyan ng kulay lahat," aniya.

Hindi naman nila ibinigay ang eksaktong dahilan sa kanilang desisyon.

"Bigay niyo na lang po 'yun sa amin, amin na lang po yun," sabi ni Garcia. 

Sa kabila ng change in status nila, hindi naman daw naapektuhan ang kanilang minahal na tambalan. 

"If the fans are worried, we can assure them that there is nothing to worry about. Joshlia is very much alive," ani Barretto. 

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.