Mula 'Bagets' hanggang 'Walwal': Mga barkada movie noon at ngayon

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2018 03:50 PM

Mahaba na ang tradisyon ng mga pelikulang Pilipino na nagbigay ng puwang sa mga kuwento ng mga kabataan sa big screen.

Madadagdagan pa ito sa nalalapit na pagpapalabas ng "Walwal," tampok ang kuwento ng apat na magkakaibigan sa kolehiyo na gagampanan nina Elmo Magalona, Donny Pangilinan, Kiko Estrada, at Jerome Ponce.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dinirek ni Jose Javier Reyes ang "Walwal" at itinuturing niya itong "updated version" ng kaniyang pelikulang "Pare Ko," na ipinalabas noong 1995.

Kaya bago ilabas sa mga sinehan ang "Walwal," narito ang isang pagbabalik-tanaw sa ilan pang "barkada flicks" na nagpakita sa mga saloobin at pinagdadaanan ng mga kabataang Pinoy noon at ngayon:

#Y (2014)

Pinagbidahan nina Elmo Magalona, Coleen Garcia, Kit Thompson, at Sophie Albert

Direktor: Gino Santos

THE REUNION (2012)

Pinagbidahan nina Enchong Dee, Xian Lim, Enrique Gil, Kean Cipriano, Julia Montes, Jessy Mendiola, Megan Young, Bangs Garcia, at Cristine Reyes

Direktor: Frasco Mortiz

FIRST DAY HIGH (2006)

Pinagbidahan nina Kim Chiu, Maja Salvador, Jason Abalos, Gerald Anderson, at Geoff Eigenmann

Direktor: Mario Cornejo

JOLOGS (2002)

Pinagbidahan nina Diether Ocampo, Patrick Garcia, Vhong Navarro, Onemig Bondoc, Dominic Ochoa, John Prats, Jodi Sta. Maria, Julia Clarete, Baron Geisler, at Assunta De Rossi

Direktor: Gilbert Perez

TRIP (2001)

Pinagbidahan nina Marvin Agustin, Onemig Bondoc, Paolo Contis, John Prats, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Julia Clarete, Desiree Del Valle, at Heart Evangelista

Direktor: Gilbert Perez

GIMIK: THE REUNION (1999)

Pinagbidahan nina Judy Ann Santos, Rico Yan, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, G. Toengi, Diether Ocampo, Mylene Dizon, at Bojo Molina

Direktor: Laurenti Dyogi

OO NA, MAHAL NA KUNG MAHAL (1999)

Pinagbidahan nina John Lloyd Cruz, Baron Giesler, Marc Solis, Kaye Abad, Kristine Hermosa, at Nikki Valdez

Direktor: Johnny Manahan

NAGBIBINATA (1998)

Pinagbidahan nina Patrick Garcia, Kristopher Peralta, John Lloyd Cruz, Marc Solis, Baron Geisler, Paula Peralejo, Kaye Abad, Nikki Valdez, at Kristine Hermosa

Direktor: Jose Javier Reyes

PARE KO (1995)

Pinagbidahan nina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, Claudine Barretto, Jao Mapa, Gio Alvarez, Victor Neri, at Nikka Valencia

Direktor: Jose Javier Reyes

BAGETS (1984)

Movie poster ng 1984 pelikula. Viva Films

Pinagbidahan nina William Martinez, J.C. Bonnin, Herbert Bautista, Raymond Lauchengco, at Aga Muhlach

Direktor: Maryo J. de los Reyes

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.