ABS-CBN, tumanggap ng parangal mula sa YouTube

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2018 01:16 PM | Updated as of Jun 22 2018 09:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nakatanggap ang ABS-CBN ng parangal mula sa video-sharing website na YouTube.

Sa "It's Showtime" nitong Biyernes, ipinahayag ng mga host ng programa na tinanggap ng Kapamilya network ang YouTube Diamond Creator Award.

Kasama ang iba pang big bosses ng Kapamilya network, pinangunahan ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak ang unboxing o pagtanggap ng parangal mula sa YouTube.

"Isang malaking karangalan ito dahil ikatlong channel sa buong Southeast Asia ang ABS-CBN na makakatanggap nito," ani Mariel Rodriguez, isa sa mga hosts ng "It's Showtime."

Watch more in iWant or TFC.tv

"At sa milyong YouTube channels, wala pang 100 ang nakaabot dito sa buong Asia. At ito ay dahil sa inyong lahat, mga kapamilya na nanood online sa ating programa," dagdag ni Jhong Hilario.

Ayon kay Richard Reynante, ang head ng ABS-CBN Digital Content Publishing, malaki ang naging kontribusyon ng "It's Showtime" sa naging tagumpay ng ABS-CBN Entertainment channel.

"Alam niyo po ba na nitong Mayo, ang ABS-CBN Entertainment channel ay No. 6 na sa buong mundo in terms of ranking. Out of the 15 billion views that we have, ang nai-contribute ng 'Showtime' ay 1.2 billion views. Napakalaki po noon," aniya. 

"Kaya ang award na ito ay gusto naming ibahagi sa 'Showtime' at sa lahat ng ating mga Kapamilya sa buong mundo."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.