'Sobrang saya!' Barbie, hindi inakalang papatok ang kanyang unang serye

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2018 06:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

"Sobrang saya!" 

Ganito inilarawan ni Barbie Imperial ang nararamdaman sa tagumpay ng seryeng "Araw Gabi," kung saan katambal niya si JM de Guzman.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, sinabi ni Barbie na hindi niya inasahan ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanyang unang serye. 

"Siyempre po sobrang saya ko. Kasi hindi ko talaga in-expect na magugustuhan ng mga tao 'yung 'Araw Gabi,'" ani Barbie.

"Nakakatuwa kasi ngayon parang gustong-gusto po nila 'yung 'Araw Gabi,' pinapanood nila. Tapos marami pong positive comments about the show," dagdag ng aktres.

Sa serye ginagampanan ni Barbie ang karakter ni Mich, ang babaeng bibihag sa puso ni Adrian (De Guzman) sa kabila ng madilim na nakaraan.

Mapapanood ang "Araw Gabi" tuwing hapon, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "Asintado."
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.