Nadine, hiwalay kay James sa bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2018 06:48 PM | Updated as of Jun 21 2018 09:51 PM

 

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Para kay Nadine Lustre, isang "stepping stone" sa kaniyang karera ang pagkakaroon ng ibang katambal sa bago niyang pelikula.

Ang pelikulang "Ulan," na pangungunahan ng "Sid and Aya" director na si Irene Villamor, ang hudyat ng paghihiwalay ng tambalan nina Lustre at nobyong si James Reid sa isang proyekto matapos ang serye ng mga romance movie at teleserye na pinagbidahan ng dalawa.

"Parang bago siyang stepping stone para sa 'kin kasi nga this time, hiwalay kami ni James. Dito ko po talaga malalaman kung kaya ko ba nang wala siya," sabi ni Lustre nitong Miyerkoles sa story conference ng pelikula.

Watch more in iWant or TFC.tv

Itinanggi naman ni Lustre na mayroon siyang separation anxiety o pangamba sa paghihiwalay nila ni Reid sa isang proyekto.

"It's healthy to be able to work separately and together at the same time. At least we can both grow together and then grow separately," aniya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Makakasama naman ni Lustre bilang leading men sa pelikula sina Xian Lim, Marco Gumabao, at AJ Muhlach.

Personal choice daw ni Villamor si Lustre para sa karakter na dumaan sa tatlong klase ng pag-ibig.

Naniniwala naman si Villamor na maitatawid ni Lustre ang pagtatambal sa iba dahil nagbago na ang panlasa ng mga manonood.

"I believe that stories should not depend on love teams. Of course for fans it matters, malaki, pero sana kung anong klaseng pelikula iyong ginagawa ngayon, sana mas iyon kaysa sa mas thoughts na first time nila maghiwalay," aniya.

Ayon pa kay Lustre, gustong-gusto niya ang proyekto dahil malapit sa kaniyang puso ang mensahe nito.

"It's more on self-love kasi and I'm a huge advocate of self-love," ani Lustre.

Hangad din ni Lustre ang tagumpay ng tambalan nina Reid at Sarah Geronimo sa inaabangang movie na "Miss Granny."

-- May ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.