NTC, inatasan ang KBP na ipagbawal ang kantang 'Amatz' ni Shanti Dope

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 05:12 PM | Updated as of Jun 18 2019 05:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATED) Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na ipagbawal na ang pagpapatugtog sa kantang “Amatz” ni Shanti Dope sa lahat ng istasyon ng telebisyon at radyo. 

Sa liham ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa KBP, sinabi niyang suportado ng komisyon ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa kampanya nito kontra ilegal na droga.

Matatandaang noong Mayo, isinulong ng PDEA ang pagbabawal sa “Amatz” dahil sa mensahe umano ng kanta na hindi masama ang paggamit ng droga tulad ng shabu at marijuana.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nauna nang itinanggi ng kampo ni Shanti Dope ang paratang ng PDEA, at ipinaliwanag na ang tinutukoy na “amatz” o tama sa kanta ay iyong nakukuhang saya mula sa musika.