Iñigo, may bagong inspirasyon

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2017 11:25 AM

MANILA -- May bagong inspirasyon ngayon ang aktor na si Iñigo Pascual. 

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ibinahagi ng anak ni Piolo Pascual na hindi taga-showbiz ang babaeng malapit sa kanya ngayon.

"Walang girlfriend pero I'm talking to someone right now. Pero kasi ako I don't want to take things too seriously. I'm starting out with my career and four years pa 'yung course ko. So ayaw kong mag-seryoso at i-rush ang things. I'm enjoying everything that's happening with my career, with my studies," ani Iñigo.

Pero nang tanungin kung sino ang nasabing babae, pag-amin ni Iñigo: "Best friend ko siya sa school."

Kasabay nga nang pagbabalik-eskuwela ngayong school year, ibinahagi ni Iñigo na nag-enroll siya sa kolehiyo at kumukuha ng business course sa isang unibersidad.

Matatandaang maliban sa miyembro ng GirlTrends na si Kelley Day, naugnay din si Iñigo sa aktres na si Sofia Andres. 

Samantala, maliban sa kanyang pagbabalik-eskuwela, proud din ang ama ni Iñigo na si Piolo sa bagong tagumpay ng anak.

Ang awitin ni Iñigo na "Dahil Sa 'Yo" ang nangunguna sa kauna-unahang Top 20 hits chart ng Billboard Philippines.

"That's every son's dream naman po. It's every son's dream to know that your dad is proud of you and I'm glad that I have my dad on my side every step of the way kahit hindi physically. He makes me feel that he's proud of what I'm doing. He always make me feel na kung ano ang gusto mo gawin mo because you're passionate about it. So ako masaya ako. Nauna pa nga siyang nag-post sa akin. Hindi ko pa nga napo-post 'yung sa Billboard, siya 'yung unang nag-post. Seeing something like that even if I don't see him all the time. nararamdaman ko na sobrang proud siya sa akin and that's a feeling na hindi ko ma-express. I'm super, super thankful to my dad," ani Iñigo.

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual) on

Pag-amin ni Iñigo, isang pangarap na natupad ang magkaroon ng No. 1 hit. 

"Sobrang laking bagay po nito sa akin. I can't even explain it. ... Personally, ako naging emotional ako kasi pangarap ko lang ito dati and it's happening right now. It's all a dream, I actually can't believe that it's happening already. When people sing my songs ay iba 'yung feeling na naibibigay sa akin. Iba 'yung fulfillment," ani Iñigo.

Para sa kanyang mga tagahanga, ibinahagi din ni Iñigo ang kanyang kauna-unahang digital concert na "Iñigo's Playground" na magaganap sa Hulyo 2. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.