Maris Racal, handa na bang makipag-date?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2019 12:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Malungkot at pigil ang mga sagot ni Maris Racal sa mga tanong tungkol sa kanila ni Inigo Pascual.

Ayon kay Maris, unti-unti ay natatanggap na niya na kailangan nang mag-move on.

"Siguro in-expect ko na ito... Dahil open naman si Inigo ever since na music talaga siya, na nag-acting lang talaga siya dahil gusto niya makipag-work sa akin," aniya.

At sa detalye kung hanggang saan umabot ang closeness nila ni Inigo, sagot ni Maris: "Sinabi ko na sa previous interview na naging more than friends kami. Siguro personal problem na lang namin 'yun."

Halatang affected pa si Maris, pero nananatiling positive siya na may magandang pupuntahan ang lahat.

"Sino ba ang manhid na walang mararamdaman?" aniya.

At sa tanong kung bukas na siyang makipag-date ulit, pahayag ng aktres: "Dating again? Hindi ko alam eh. Kapag may dumating na maayos and pareho kami ng gusto at 'yun na talaga 'yung The One, eh okay naman."

Magkahiwalay man ng direksyon ngayon sina Maris at Inigo, umaasa ang followers ng dalawa na muli silang magkakasama sa isang proyekto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.