Jessy Mendiola, may panawagan sa bashers

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2018 11:32 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nanawagan si Jessy Mendiola sa kanyang bashers na tigilan na ang pag-cyberbully sa kanya.

Sa Instagram, ibinahagi i Jessy ang screenshot ng isang netizen na sinabihan siya na "without Luis (Manzano), you are nothing."

Buwelta naman ni Jessy sa netizen, kailangang ingatan nito ang sinasabi.

Sa isa pang post, sinabi ni Jessy na hindi "deserve" ng sinuman na masabihan na "you are nothing."

Kaya panawagan ng aktres sa netizens, "Think before you speak."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.