Piolo, proud sa pagbabalik-eskuwela ni Inigo

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2017 12:59 PM

Kasabay nang pagbabalik-eskuwela ngayong school year, proud na ikinuwento ni Iñigo Pascual na bumalik siya sa pag-aaral.

Nag-enroll siya sa kolehiyo at kumuha ng business course sa isang unibersidad.

"Right now I'm studying business entrepreneurship, very far from what I'm doing right now. Kasi parang naisip ko paano kung hindi ito mag-work para sa akin, so I have fallback," ani Iñigo.
 
Kahit busy sa kanyang buhay showbiz, regular schooling ang pinili ni Iñigo.

"I go to school Monday, Wednesday and Thursday. I go to school like a normal student; I don't have any tutors or any like special treatment. I really wanna experience it as a normal student talaga," ani Iñigo.
 
Happy naman ang ama nito na si Piolo Pascual sa desisyon ng anak.
 
"Maganda 'yun na hindi mo pinilit. Siya mismo ang nag-decide na makapag-aral at mag-trabaho at the same time. So proud ako doon as a father," ani Piolo.
 
Nagbigay mensahe rin si Iñigo sa mga kapwa niya artista na pinagsasabay ang pag-aaral at showbiz career.

"Education can't be taken away from you and I guess minsan kailangan talaga mag-sacrifice. Like when I was acting, I have to sacrifice my studies, I have to put my acting first. So minsan talaga kailangan mo mag-sacrifice ng isang bagay," pahayag ni Inigo.

Promise ni Iñigo na pagbubutihin at tatapusin ang pag-aaral.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.