Loisa, nais na makasama si Ronnie sa hinaharap?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 09:22 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bagong tututukan sa iWant ang "Past, Present, Perfect" na kinabibilangan ng magagaling na young actors na sina Shaina Magdayao, Vin Abrenica, at Loisa Andalio.

Kilala si Loisa sa diretsahan na sagot sa tanong ng media kaya markado ang kanyang mga sinabi sa press conference para sa bagong palabas kung sino ang gusto niyang makasama sa future.

"Importante talaga ang past kasi kung ano ka ngayon, dahil 'yan sa pinagdaanan mo, sa mga lesson na natutunan mo. At 'yung future? Tingnan natin kung si Ronnie," aniya.

At kung mga natutunan naman sa past ang maibabahagi ni Loisa, wala pa rin daw dadaig sa mga advice ng kanyang pamilya at nakatatandang katrabaho.

"Ang gusto kong dalhin sa future na bitbit ko ngayon sa present [ay] 'yung mga lesson na natutunan ko. 'Yung mga gabay sa akin, 'yung pagpayo sa akin ng mga nakatatanda. 'Yun ang mga gusto kong bitbitin ngayon hanggang future," aniya.
 
Streaming na ang "Past, Present, Perfect" sa Iwant.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.