OFWs sa Hong Kong, naki-bonding sa cast ng 'Hello, Love, Goodbye'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 11:53 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ipinagmamalaki ni Kakai Bautista ang kanyang role bilang isang OFW sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye" ng Star Cinema kung saan nakatrabaho niya sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Naibahagi pa ni Kakai ang pagkasabik ng mga kababayang OFWs sa Hong Kong habang sila ay nagshu-shooting.

"They're more excited. Nagte-take sila ng video so kapag nagseseryoso na si direk nakikinig naman sila and they love being with us. Basta supportive sila," kuwento ni Kakai.

Todo papuri naman si Kakai kay Kathryn at Alden sa kanilang naging trabaho para sa pelikula.

"Bawal mag-usap kapag seryoso 'yung eksena, pero nakakatuwa kasi oo nag-gel naman kami. Kasi kapag nakatrabaho mo ang mga tao na open and sponge to learning talagang magge-gel kayo agad," ani Kakai.

At ang isa pang aabangan, ang mga eksena ni Maymay Entrata.

"Si Maymay dito, abangan niyo si Maymay," ani Kakai.

Inaabangan na ngayon ang "Hello, Love, Goodbye" na siguradong pipilahan sa mga sinehan.