Elmo, tiniyak ang suporta para sa kuyang si Frank

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2018 04:55 PM | Updated as of Jun 06 2018 09:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tiniyak ng aktor na si Elmo Magalona ang kaniyang suporta para sa nakatatandang kapatid na si Frank sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito.

Madaling araw ng Lunes nang hulihin ng mga pulis sa Taguig si Frank matapos ireklamo ng isang babae dahil umano sa panghihipo sa likuran.

Sa unang pagkakataon, nagbigay nitong Martes ng komento ang isang miyembro ng pamilya Magalona hinggil sa isyu.

Watch more in iWant or TFC.tv

"At the end of the day, he's my brother and I love him and he has my support," sabi ni Elmo sa gitna ng launch ng pagbibidahan niyang pelikulang "Walwal."

Napakawalan din mula sa pagkakadetene si Frank habang patuloy ang preliminary investigation ng kasong unjust vexation na isinampa laban sa kaniya.

Bagaman hindi pa nakakausap ni Elmo ang kuya tungkol sa isyu, inamin nitong nalungkot siya noong marinig ang nangyari.

"Siyempre wala naman tayong gustong marinig na ganyan," aniya.

Nang tanungin kung may kakayahan si Frank na gawin ang paratang, tugon ni Elmo: "I don't think so. I'm just really here for my brother if he needs me."

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasama ni Elmo sa "Walwal" sina Kiko Estarda, Jerome Ponce, at Donny Pangilinan.

Ipalalabas ang "Walwal," na dinirek ni Jose Javier Reyes, sa mga sinehan sa Hunyo 27.

 

A post shared by Poquito (@elmomagalona) on

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.