Maja magbabalik teleserye kasama sina Joshua, Janella, Sam

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2019 11:48 AM

MANILA - Magbabalik teleserye sina Maja Salvador, Joshua Garcia, Janella Salvador at Sam Concepcion.

Tampok sila sa cast ng bagong teleserye na may working title na "The Killer Bride."

Sumabak na ang apat sa look test.

Sa ngayon, wala pang detalye kung kailan sila magsisimula mag-taping at kung sino ang magiging direktor ng nasabing proyekto.

Dapat pa ring abangan kung sino pa ang ibang makakasama ng apat sa serye.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.