Joshua, Julia nakitang magkasama sa kabila ng isyung hiwalayan

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2019 11:41 AM

MANILA - Namataan sina Julia Barretto at Joshua Garcia na magkasama sa kabila ng mga isyung hiwalay na diumano ang dalawa.

Kitang-kita sa isang litrato sa Instagram na nagha-hang-out ang dalawa kasama sina Dimples Romana at Maris Racal.

Kasama rin nila si direk Mikhail Red na siyang nagbahagi ng nasabing litrato sa social media.

Sa ngayon, abala ang grupo sa shooting ng pelikulang “Block Z.”

Matatandaang sa pinakahuling vlog ni Erich Gonzales, kapansin-pansin ang hindi pagbanggit ni Julia sa pangalan ni Joshua sa kahit anong parte ng bidyo.

Nang tanungin siya ni Erich kung siya ba ay in love ngayon, paliwanag ni Julia: “I am very much in love with the peace I have gained just recently. It’s not with anybody… Sorry, I’m not trying to say I’m not in love with anybody. I’m just in love with the peace that I gained.”

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.