Sino ang 'man crush' ng ASAP Coverboys?

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2017 02:49 AM

Ibinahagi ng ASAP Coverboys na sina Tommy Esguerra, Albie Casiño, Luis Hontiveros at Tanner Mata ang mga lalaking kanilang pinakahinahangaan.

Ang aktor na si Bradley Cooper ang "crush" ni Albie, habang sina Sam Milby at Piolo Pascual naman ang hinahangaan ni Tommy.

Parehong si Johnny Depp ang hinahangaan nina Luis at Tanner.

Sinubukan rin ng apat na magbatuhan ng mga papuri sa isa't isa base sa mga kadalasang sinasabi sa kanila ng kanilang mga babaeng fans.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.