Bagong post ni Matteo para sa asawang si Sarah G, kinakiligan ng fans

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 11:33 AM

MANILA — Kinakiligan ng mga tagahanga at netizens ang pinakabagong post ni Matteo Guidicelli para sa kanyang asawang si Sarah Geronimo.

Sa Instagram nitong Martes, isang throwback photo ang ibinahagi ni Matteo kasabay ang muling pagpapahayag niya ng pagmamahal sa asawa.

Matatandaang 2013 nang simulang magkalapit ang dalawa nang makasama ni Sarah si Matteo sa kanyang “24/SG” concert sa Amerika. 

Nito lamang Pebrero 22 maganap ang kasal ng dalawa.

Sa pinakahuling panayam, ibinahagi ni Matteo ang kasiyahan sa buhay nila ni Sarah bilang mag-asawa. Aniya, ngayong lockdown ay sabay silang natututo at mas nakikilala ang isa’t isa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.