Kim Molina at Jerald Napoles, mas tumibay ang relasyon dahil sa lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 12:02 PM

MAYNILA — Mas pinatibay ng lockdown ang relasyon nina Kim Molina at nobyo nitong si Jerald Napoles.

Sa pinakabagong episode ng “Promdibate” nitong Hunyo 1, ibinahagi ng dalawa na mas nakilala nila ang isa’t isa.

“Alam ko, naisip ko lang sa tingin ko dahil dito (sa lockdown) ay mas tumibay tayo,” ani Jerald kay Kim.

“Titibay talaga. Nakapag-adjust na ako sa lahat ng mga bagay tungkol sa iyo,” hirit naman ni Kim. “Oo mas tumibay tayong dalawa.”

Para kina Kim at Jerald, suportado nila ang sinabi ng mga kasamahan na sina Bassilyo at Smugglaz na sa panahon ng lockdown, kailangang magkaunawaan para mapanatiling maayos ang samahan.

“Intindihin ang partner, adjustment,” ani Kim.

“Kailangan dapat ‘yan. Nagkasundo na tayo diyan, ‘yung simula dapat 'yun na rin hanggang dulo. Kapag nagkakainisan, isipin niyo bakit ganun ang reaksiyon niya. 'Yan ang pundasyon ng matibay na samahan — understanding,” ani Jerald.

Dagdag pa ni Kim: “Sa ganitong sitwasyon talaga, understanding is the key para magkaayos agad at maabot ang ating relationship goal.”

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.