Iñigo Pascual, naghahanda para sa una niyang digital concert

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2017 12:03 PM

Ibinahagi ng aktor at mang-aawit na si Iñigo Pascual na magkakaroon siya ng digital concert para sa kanyang mga tagahanga.

Sa pagbisita nito sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, sinabi ni Iñigo na magaganap ang kanyang digital concert sa July 2.

"Sa social media siya magaganap, pero mayroon ding mga audience na pwedeng manood sa studio mismo sa ABS-CBN," ani Iñigo. 

Para sa mga manonood ng "UKG," inawit ni Iñigo ang "Closer" na isa rin sa kanyang aawitin sa paparating niyang concert.

Umagang Kay Ganda, June 2, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.