'Matagal na matagal pa': 'Kadenang Ginto,' extended

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 31 2019 09:16 AM | Updated as of May 31 2019 11:05 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inaabangan tuwing hapon ang maiinit na eksena sa top-rating serye na "Kadenang Ginto."

Kaya naman si Dimples Romana na gumaganap bilang Daniela, proud na may sariling fans ang kanyang character na kakaibang kontrabida sa serye.

"I'm just so happy how all our Kadenang Ginto fans are actually embracing Daniela and I love it because even kontrabidas have their own different personas. Hindi naman lahat ng super kontrabida ay super black eh. There are also gray moments where Daniela would show her heart," ani Dimples.

Malaking tulong din ayon kay Dimples ang mga memes na kina-career ng "Kadenang Ginto" fans kaya tumatatak ang kanilang mga eksena araw-araw.

"Saya di ba? Sobrang spicy niya. Like for example may mga moments na kapag binabasa ko 'oh my God imi-meme nila ito.' Alam ko na gagawan nila ito," ani Dimples.

At kung extended by ang "Kadenang Ginto" heto ang pahapyaw na sagot ni Dimples.

"Puwede ko bang sabihin? Pero huwag kayong mag-alala KG fans, matagal na matagal pa," ani Dimples.

Aminado si Dimples na mahirap sundan ang character niya bilang Daniela na kanyang ipinagpapasalamat.

Kamakailan lamang ay nagdiwang naman ng kaniyang kaarawan sa set ng Kadenang Ginto si Beauty Gonzales, na gumaganap bilang ang palaban na si Romina.

Sa isang video, makikita na sinorpresa ng mga kapwa artista si Beauty habang nasa set ng trending na soap opera.

Watch more in iWant or TFC.tv