Iza Calzado at Jameson Blake, magtatambal sa bagong serye sa iWant

ABS-CBN News

Posted at May 30 2019 11:34 AM

MANILA -- Kakaibang love team ang aabangan sa pinakabagong digital series ng iWant.

Sa unang pagkakataon, magtatambal sina Iza Calzado at isa sa miyembro ng Hashtags na si Jameson Blake sa seryeng "400 Miles."

Sa Instagram nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Noel Ferrer, talent manager ni Iza, ang videos ng dalawa kung saan sumabak na sila sa look test para sa nasabing proyekto.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

Sa serye, gagampanan ni Iza ang karakter ni Emily na magkakaroon ng mas batang karelasyon na gagampanan naman ni Jameson.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.