PANOORIN: Sue Ramirez muling nagpabilib bilang guest 'Star Patroller'

ABS-CBN News

Posted at May 29 2019 09:10 PM | Updated as of May 30 2019 09:06 AM

Naghahanda si Sue Ramirez sa kaniyang ika-2 pagsabak bilang guest "Star Patroller" ng TV Patrol nitong Miyerkoles, Mayo 29. Retrato ni Alec Corpuz, ABS-CBN News

Sa ikalawang pagkakataon, sumabak muli nitong Miyerkoles bilang guest "Star Patroller" ng TV Patrol ang aktres na si Sue Ramirez. 

Unang inihatid ni Ramirez ang ulat ni Mario Dumaual ukol sa nominasyon ng dalawang Kapamilya actress sa Urian Awards.

Alec Corpuz, ABS-CBN News

Sunod naman dito ang ulat ni Chiara Zambrano tungkol sa paglipad ng aktor na si Matteo Guidicelli sa Maguindanao.

Alec Corpuz, ABS-CBN News

Si Ramirez din ang nagpakilala sa ulat ni Hollywood correspondent na si Yong Chavez ukol sa pelikulang "Godzilla."

Panoorin sa ibaba ang ilang bahagi ng pag-uulat ni Ramirez.

Watch more in iWant or TFC.tv

Unang humalili si Ramirez sa Star Patrol segment ng TV Patrol noong Disyembre 27, 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.