JM de Guzman, handa na ba sa bagong relasyon?

ABS-CBN News

Posted at May 29 2019 11:47 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Aminado ang aktor na si JM de Guzman na gusto na niyang pumasok muli sa isang relasyon.

"Gusto ko na talaga magkaroon ng relasyon ulit. Masaya. Pero so far parang hindi nag-a-agree ang universe sa gusto ng utak ko," ani JM sa nakaraang panayam.

Kaya naman ilalaan muna ni JM ang oras sa paghahanda para sa nais niyang buhay sa hinaharap.
 
"For now siguro, kailangan ko munang i-focus ito doon sa blessings and opportunities. Kasi siyempre my family needs me too and my future family. And I want to be a father too someday, that's my dream, my goal. I want to prepare for that, I want to secure them. So 'yung alam kong makaka-drag sa akin ngayon at makaka-defocus sa akin ay iiwasan muna," paliwanag ni JM.

Matatandaang huling naugnay si JM kay Barbie Imperial na nakapareha niya sa seryeng "Araw Gabi."

Nang matanong naman kung ano ang natutunan niya pagdating sa pag-ibig, sagot ng aktor: "Siguro ang natutunan ko huwag mag-hold grudges over love. Kasi kapag bitter ka hindi ba parang ang pangit ng love, parang dinudumihan mo ang pangalan. Parang hindi ka na magkapagmahal ng totoo kasi laging may bahid ng past. So para sa akin kung anuman 'yung magandang naidulot sa iyo ng love ay puwede mong panghawakan pa rin 'yon, ma-inspire pa rin doon. Puwede ka pa ring makaramdam ng ganun sa ibang tao," ani JM.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.