Gary V, bibida sa dance concert na 'Evolt'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 28 2019 11:39 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bagong advocacy ni "Mr. Pure Energy" Gary Valenciano ang mentoring sa promising na Pinoy dancers.

Kasama si Gary V sa "Evolt" na binansagang pinakamalaking dance event sa bansa.

Bago magpa-interview sa media, nagbigay pa ng inspirational talk si Gary V sa makakasamang dancers sa proyekto.
 
Produced ng Studio ni Pipay ni Lady Pipay na suki sa "Umagang Kay Ganda" ang event. 

Naniniwala ang ilang personalidad kasama si Gary V na ito ang naghihintay na break sa maraming kabataan.

"Those who know na mayroon silang talent pero wala silang avenue to express, this [is for them]. Now with the workshops, at least mayroon silang makikilalang iba't ibang grupo," aniya.

Ayon kay Gary V, nagbabago ang technique at paraan ng pagsasayaw pero ang hindi mawawala ay ang paglalagay ng passion at puso sa anumang ginagawa para lumabas na maganda at may lalim ang performance.
 
"It doesn't matter if it's old school or new school eh, ang mahalaga may tugtog at tama 'yung galaw mo at makikita mo talaga ang mga nanonood na nage-enjoy sila," aniya.
 
Tampok din sina Lady Pipay, Regine Tolentino, Darren Espanto, at AC Bonifacio sa "Evolt" na magaganap sa June 8 sa Circuit Makati.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.