Jhong Hilario, balik-'Showtime' matapos manalo sa halalan

ABS-CBN News

Posted at May 23 2019 02:15 PM

MANILA -- Isang mainit na pagsalubong ang ibinigay kay Jhong Hilario sa pagbabalik niya sa "It's Showtime" nitong Huwebes.

"Alam mo tumatayo ang balahibo ko," ani Jhong.

Masaya ring binati ni Vice Ganda si Jhong sa tagumpay nito sa nakaraang halalan.

Pag-amin ni Jhong, na-miss niya ang "Showtime." Pinasalamatan din ng aktor ang mga kasamahan nitong host para sa tulong ng mga ito nung panahon ng kampanya.

Samantala, nauwi naman sa kulitan ang muling pagkikita nina Vice at Jhong nang biruin ng huli na nanalo ring kapitan si Ion Perez na ngayon ay nauugnay kay Vice Ganda.

"Sandali lang i-congrats din natin si Ion nanalong kapitan. Si Ion nanalong kapitan. Nakita ko (Vice) nakakapit ka," biro ni Jhong kay Vice na galing lang sa concert tour sa Amerika at Canada kung saan kasama niya si Ion.

Narito ang nakakatuwang pagbabalik ni Jhong sa "It's Showtime."

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.