Star Magic 25th anniversary, hitik sa Kapamilya performances

ABS-CBN News

Posted at May 21 2017 06:56 PM

Nakisaya ang mahigit 100 Kapamilya stars sa silver anniversary celebration ng Star Magic sa "ASAP."

Dumagsa rin ang libo-libong fans sa Big Dome para makita nang up close ang kanilang mga idolo.

Opening number pa lang, halos magiba na ang Coliseum sa matinding hiyawan ng fans.

Kabilang sa unforgettable performances and production number ng ASAP BFF5, ang original na "It girl" na si Bea Alonzo at ang new generation ng "It girls" na sina Kathryn Bernardo, Julia Barretto, Liza Soberano, at Janella Salvador.

Humataw rin ang teleserye stars kabilang na ang KimErald.

Lalong hindi magkamayaw sa kilig ang fans sa Kapamilya love teams kabilang na ang MayWard, ElNella, JoshLia, at ang back-to-back box office superstars KathNiel at LizQuen.

Ipinasilip din sa mga masugid na tagahanga ang 25th anniversary music video ng Star Magic.

-- Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.