Pelikula nina Sharon, tambalang Julia-Gerald sabay magtatagisan sa takilya

ABS-CBN News

Posted at May 15 2019 09:24 PM | Updated as of May 15 2019 09:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sabay ang pag-arangkada sa mga sinehan ng kauna-unahang horror movie ni Sharon Cuneta at ang first team-up project nina Julia Barretto at Gerald Anderson. 

Noong Martes ay nakangiting dumalo sa premiere night ng "Kuwaresma" si Cuneta kasama ang ilang celebrities tulad nina Liza Diño at Ice Seguerra, Vicki Belo at Hayden Kho, Lotlot de Leon, at close friend na si Zsa Zsa Padilla.

Ani Cuneta, espesyal ang pelikula dahil ito ang kaniyang kauna-unahang horror film sa dekada niyang karera sa industriya. 

Samantala, full support din ang mga pamilya nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa special screening ng kanilang Black Sheep movie na "Between Maybes."

Nanguna sa mga Barrettos ang ina ni Julia na si Marjorie.

Andon din ang celebrity friends nila gaya nina Marco Gumabao, Young JV, Janella Salvador, executives ng ABS-CBN Films at mga taga-Saga Film Commission na tumulong sa shooting ng pelikula sa Saga, Japan. 

Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Between Maybes na palabas na simula Miyerkoles.—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.