TINGNAN: Mga bituin, dagsa sa premiere ng 'Kasal'

ABS-CBN News

Posted at May 15 2018 08:58 PM | Updated as of May 16 2018 07:26 AM

Rumampa sa red carpet ang cast ng "Kasal" para sa special screening ng pelikula nitong gabi ng Martes.

Dumalo sa premiere ang mga bida ng pelikula na sina Bea Alonzo, Derek Ramsay at Paulo Avelino.

Bukod sa mismong cast, ilang maningning na pangalan din sa industriya ang dumalo para ipahayag ang kanilang suporta, gaya nina Zsa Zsa Padilla, JM De Guzman, Barbie Imperial, Maja Salvador, Kakai Bautista, Ian Veneracion, Cherie Gil, at Ricky Davao.

Batay sa trailer, sinsundan ng pelikula ang kuwento ni Lia (Alonzo), na nais mapaibig muli ng kaniyang nakaraan (Ramsay) sa kabila ng napipinto nitong kasal sa karakter ni Avelino.

Isa sa mga katanungang pupukaw sa interes ng mga manonood ay kung sino nga ba ang makakatuluyan ng karakter ni Alonzo.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa panayam ng ABS-CBN News, tinukso ng direktor na si Ruel S. Bayani ang pagtatapos ng pelikula at sinabing hindi aakalain ng mga manonood ang kahihinatnan ng kuwento.

"Tama lang na hulaan nila, panoorin nila at sabihin nila sa dulo na, 'Ay! Hindi pala iyon 'yong akala kong mangyayari.' So iyon 'yong maganda," sabi ni Bayani.

Maging ang cast ay nagbiro na hindi rin umano nila alam ang mangyayari sa dulo.

"First time din namin," ani Alonzo.

Ayon kay Bayani, nais ipabatid ng pelikula na kayang pagtagumpayan ng pag-ibig ang mga balakid sa relasyon at dapat ay respetuhin ang kasal. 

"Hindi dahil mahirap, hindi dahil imposible, hindi kayang magtagumpay ng love 'di ba? At 'yong marriage ay isang bagay na dapat irespeto," aniya.

Pinuri naman nina Alonzo, Avelino at Ramsay ang isa't isa.

"Everyone's open for collaboration at 'yon 'yong masaya kapag nagtatrabaho ka na, willing tumulong at nakikinig din sa 'yo 'yong mga katrabaho mo," ani Avelino.

"Working with smart actors makes things so much easier and at the same time it makes you think about your craft even more," sabi naman ni Ramsay. 

Ipalalabas sa mga sinehan ang "Kasal" simula Miyerkoles.

Watch more in iWant or TFC.tv

-- May ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.