'Dream come true': Darren, Morissette umawit para sa 'Aladdin'

ABS-CBN News

Posted at May 12 2019 06:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Natupad na pangarap para kina Darren Espanto at Morissette Amon ang pagkakapili sa kanila para sa pag-awit ng Philippine version ng "A Whole New World" sa live action remake ng "Aladdin."

Kapuwa kinuha ang 2 mang-aawit ng Disney para mag-record ng lokal na bersyon ng "A Whole New World," na unang sumikat sa 1992 na animated "Aladdin."

"It has always been a dream, or as we put it in the movie, been a wish. And just to see that dream coming to fruition and to actually live it," sabi ni Amon.

"As a child, it’s a dream come true for me to be able to sing one of the songs I would sing as a kid. And now it's actually an official track so it's really cool," dagdag ni Espanto.

Hindi rin umano akalain ng dalawang mang-aawit na mapipili sila para sundin ang yapak ni Lea Salonga, ang original singer ng "A Whole New World," kasama si Brad Kane.

Ipalalabas sa mga sinehan sa bansa ang bagong "Aladdin" movie simula Mayo 22.

--Ulat ni Mario Dumaual ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.