Enrique Gil, Xian Lim at Richard Yap, kinukuha para sa isang Hollywood film?

ABS-CBN News

Posted at May 09 2019 11:23 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nakatanggap ng imbitasyon para sa isang Hollywood movie project sina Xian Lim, Enrique Gil, at Richard Yap.

Sa Twitter, inalok sila ng American director at writer na si Bill Duke ng isang movie project.

Tinanong ni Bill kung kailan makakapunta ang tatlo sa Los Angeles para pag-usapan ang "spy movie."

Positibo namang nag-reply sina Xian at Richard sa nasabing tweet. 

Dati nang lumabas sa ilang Hollywood movies si Bill Duke, bago nagsimulang gumawa ng mga pelikula nung 1990s. Ilan diyan ang "Deep Cover," "Hoodlum" at "The Cemetery Club."
 
-- Umagang Kay Ganda, Mayo 9, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.