'One More Chance' barkada Bea, Dimples at Beatriz, reunited

ABS-CBN News

Posted at May 08 2019 12:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Throwback feels naman ang naramdaman ng fans nang magkita sina Bea Alonzo, Dimples Romana at Beatriz Saw na cast ng pelikulang "One More Chance."

Sa pelikula na ipinalabas noong 2007, magkakaibigan ang tatlo at "Thursday Barkada" ang tawag nila sa kanilang samahan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Dimples ang kanilang retrato pagkatapos magkita at mananghalian sa Taguig.

Sa caption, ibinahagi ni Dimples na "It's forever Thursday for us." 

-- Umagang Kay Ganda, Mayo 8, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.