Bea Alonzo, ilang beses na rin nagbalak na iwanan ang showbiz

ABS-CBN News

Posted at May 08 2018 12:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni Bea Alonzo na kung ilang beses na rin niyang naisip na tumigil na sa pag-aartista dahil sa pagod.

"Yung totoo, tatlong beses na dumating sa buhay ko. Siguro pagod, burnout, " ani Bea sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

"I remember 'Maging Sino Ka Man' Book 1. Naiisip ko parang ito na ba 'yung pinangarap ko. Siyempre bata pa lang ako pinangarap ko na maging artista. Iniisip ko, 'ah ito na ba yon?' Masaya ako pero parang hindi ito ang ini-expect kong kasiyahan. 

"Kumakain kami, nakatira pa ako kay Mama noon, tinanong ko, 'Ma, puwede bang tumigil na ako?' Ang bait ng mama ko. Sabi niya, 'Okay lang kahit na tumigil ka, kahit kailan mo gusto, anak, okay kami.' Never siyang namilit, never," ani Bea.

Noong 2012 ay muli niyang maisip na iwanan na ang showbiz.
 
"I remember bago ang 'The Mistress,' parang floating, parang iniisip ko, inuunahan ko, 'Baka ito na 'yon.' Inuunahan ko yung 'ay patapos na hindi na nila ako love,'" ani Bea.

Personal naman ang dahilan ayon sa aktres sa pinakahuling beses niyang naisip na tumigil na sa pag-aartista. 

"Sa 'The Love Affair' iba naman, personal naman 'yon," ani Bea.

Nasabi na rin niya sa sarili na huling proyekto na niyang gagawin ang pelikulang "One More Chance" kasama si John Lloyd Cruz. 

"Tapos biglang nagkaroon ako ng appreciation. Parang there's more to acting than kung ano ang natutunan ko. Parang nanumbalik. Para siyang relationship, may second wave of love na natagpuan ko for this business," kuwento ni Bea na bida sa bagong pelikulang "Kasal" na ipapalabas na sa Mayo 16.

Ayon kay Bea, sa ilang beses niyang naisip na sumuko ay marami siyang natutunang aral.

"Eto 'yung natutunan ko through the years: You should always follow your heart. Follow your gut feel. Kasi minsan when we overthink doon nagkakaroon ng problema, when we second-guess ourselves. So you should always, always follow your heart and pray," ani Bea.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.