Derek Ramsay, plano na nga bang magpakasal?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 03 2018 01:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Balik Star Cinema ang aktor na si Derek Ramsay sa pelikulang "Kasal" ni direk Ruel Bayani at kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino.

Nasabik si Derek sa muli niyang pakikipagtrabaho sa Star Cinema.

"Nice to see all the familiar faces that I used to when I walked the ABS-CBN halls. They're all here now, like you. It's definitely nice to work with everyone again," ani Derek.

Nagkatampuhan man sila ni Bea noon, naayos naman daw ito habang nasa-shooting ng pelikulang "Kasal."

"Sabi nga niya nagtampo siya sa akin. ...The friendship is still there. She hasn't changed a bit. She's still a brilliant actor. We were able to catch up on things while we were in Cebu," ani Derek.
 
At sa personal na buhay ni Derek, mukhang papunta na sa kasalan ang kanyang relasyon sa kanyang modelong girlfriend na si Joanne Villablanca.

"We definitely have that in thought. We're going strong. We haven't gone to the particulars on what we are going to do about. It's definitely in our head and it's part of our plan. We're taking it slow, we're taking it easy. We're enjoying each others company right now, but one day," ani Derek.

Umaasa si Derek na masusundan pa ang kanyang projects sa ABS-CBN pagkatapos ng pelikula. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.