Bea Alonzo, umaming nagtampo kay Derek Ramsay

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 03 2018 01:16 PM | Updated as of May 03 2018 04:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bagong pelikulang aabangan ang “Kasal” kung saan lead actress si Bea Alonzo. Isa sa leading man niya ang nagbabalik Star Cinema na si Derek Ramsay.

Naibahagi ni Bea na dumaan sa tampuhan ang pagkakaibigan nila ni Derek.

"Na-miss ko siya maka-eksena. Nagtampo ako sa kanya when he left because we were in the middle of a shoot ng isang pelikula when he left. Siyempre nagtampo ako kasi hindi niya ako nasabihan. Noong time na ‘yun inisip ko na bakit? Co-actor mo ako, hindi ko alam na tapos na pala ang pelikula natin. But of course kahit na bago pa siya bumalik napag-usapan na namin 'yun dati. And parang kapag nakaka-eksena ko siya parang 'di siya nawala," ani Bea.

Leading man din ni Bea si Paulo Avelino na first time makakasama sa isang pelikula.

"First time namin magtatrabaho sa big screen. Iba din, iba siya dito, iba ang binigay ni Paulo dito. Nakakatuwa kasi iba ang binigay niyang energy sa set. Dahil first time ko nakatrabaho si direk Ruel (Bayani) and after a long time ngayon ko lang ulit makaka-trabaho si Derek, si Paulo first time sa big sceen, so parang everyone's excited for this moment," ani Bea.
 
Bukod sa pelikulang "Kasal," aabangan din si Bea kasama ang beteranang aktres na si Charo Santos sa horror film na “Eerie" 

Malaking hamon kay Bea ang mga eksena nila ni Charo na marami siyang natutunan.

"Minsan nasa gitna kami ng eksena hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang ka eksena ko. Sa totoo lang, iba pala talaga siguro kapag ganun karami pelikula na nagawa mo at siguro iba 'yung naka trabaho niya sina Mike de Leon and the great actors of her generation, of the new generation," ani Bea.
 
"Kasal" at "Eerie," dalawang pelikula na may magkaibang tema ang aabangan mula kay Bea Alonzo.

Excited na ang aktres na mapanood ng kanyang followers dahil sa ganda ng mga ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.