Kapamilya stars binigyan ng 'Avengers' transformation

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2019 09:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ngayong nauuso ang hit blockbuster movie na "Avengers: Endgame" ay may iba-ibang suhestiyon ang ilang netizens sa kung sinong mga Pinoy celebrities ang maaaring gumanap bilang mga Marvel superheroes. 

Sa viral post ni Glenn Paolo Villeza, makikitang nag-transform sa ilang mga local celebrities at Kapamilya stars bilang parte ng hit Marvel franchise. 

Ginawang Iron Man ang aktor na si John Lloyd Cruz, habang ginawang Captain America si Richard Gutierrez. 

Tampok naman ang transformation ni Sam Milby bilang si Thor. Si Jake Cuenca naman ang ginawang half-brother ni Thor na si Loki. 

Binigyan naman ng "Wakanda-esque" transformation si Jericho Rosales bilang Black Panther habang si Ian Veneracion naman ang ginawang Doctor Strange. 

Tampok din sa kanilang "Guardians of the Galaxy" look sina Gerald Anderson bilang si Star Lord, Kim Chiu bilang Mantis, at Alessandra De Rossi na ginawan ng Gamora transformation. Pinaastig naman si "Ang Probinsyano" star Coco Martin bilang si Rocket Raccoon. 

Si Julia Montes naman ang ginawang Black Widow habang si Liza Soberano ang ginawang Scarlet Witch.
 
Samantala, ang batikang aktor na si Bembol Roco ang ginawang Nick Fury, habang si Bailey May naman si "Spiderman." 

May ilan naman na nag-suggest na si Daniel Padilla ang gumanap na "Spiderman" at bigyan ng Hulk transformation si JM De Guzman. 

Si Maja Salvador naman ang ginawang Scarlet Witch. 

Aabot sa P205 milyon ang nakalap ng pelikula sa unang araw ng pagpapalabas nito. 

-- Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.