JM at Barbie, nakisaya sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2018 02:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nakisaya sa "It's Showtime" sina JM de Guzman at Barbie Imperial ng bagong Kapamilya serye na "Araw Gabi."

Nitong Huwebes, pinakilig ni JM ang mga manonood sa pag-awit niya ng "Dive" at "Super Far," habang humataw naman si Barbie sa isand dance number.

Naging game rin ang dalawa sa pagsabak sa "Alakdan" at "Taga-Saan Ka" challenges.
 
Magsisimula na ang "Araw Gabi" sa Lunes, Abril 30, sa Kapamilya Gold pagkatapos ng "Asintado."

Tampok din sa nasabing serye sina Victor Silayan, Paulo Angeles, Vina Morales, Rita Avila, Ara Mina, RK Bagatsing at Jane Oineza.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.