Ken San Jose ng 'World of Dance PH,' naglabas ng debut single

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2019 11:52 AM | Updated as of Apr 24 2019 12:03 PM

MANILA -- Maliban sa kanyang ipinakitang galing sa paghataw sa "World of Dance Philippines," isa na namang talento ang ibinabahagi ngayon ni Ken San Jose sa kanyang mga tagahanga.

Isa na ngayong recording artist si Ken.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, nagbahagi si Ken tungkol sa kanyang bagong single na isinulat ni Inigo Pascual.

"It's called 'Lose Control' written by Inigo Pascual, my good friend. It's now out on all digital platforms and my music video is on my YouTube channel, so check it out," ani Ken.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dagdag ni Ken, hindi naging mahirap para sa kanya ang pagpasok sa recording.

"Kasi I'd like to put them (sinigng and dancing) together and do them at the same time," ani Ken.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.