Bangayan nina Romina, Daniela sa 'Kadenang Ginto' mas titindi pa

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2019 06:31 PM

MAYNILA — Big hit sa hapon ang Kapamilya Gold serye na "Kadenang Ginto" dahil laging viral at instant memes ang mga linyahan at eksena sa naturang palabas.

Pinakaaabangan dito ang talakan ng dalawang bida na sina Dimples Romana (Daniela) at Beauty Gonzales (Romina).

  • Daniela: "I'd rather die than let this woman live in my parents' house."
  • Romina: "Sagot ko ang pa-kape ng lamay mo." 

Ilan lamang ito sa tarayan moments ng dalawa sa Kadenang Ginto.

"We're super surprised that everyone is loving the show, from all walks of life, kasi pati 'yung mga lola and 'yung mga bata they enjoy it," sabi ni Romana. 

"Kilala na kami sa labas, tinatawag kami bilang Romina at Daniela, sobrang overwhelming," sabi naman ni Gonzales.
 
Ayon sa kanila, teamwork ng mga writers, direktor, staff, at co-stars ang sekreto kaya pinag-uusapan ang harapan at linyahan.

Dapat daw abangan pa ang mga susunod na episodes lalo pa't magkasama na sila sa iisang mansiyon. 


—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.