Dimples Romana, walang problema kahit hindi bida

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2018 12:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Walang problema para kay Dimples Romana kung hindi man siya ang bida sa kanyang mga project tulad ng "Bagani."

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, kinuwento ni Dimples nung minsan siyang tinanong ng kanyang anak kung bakit hindi siya nagbibida kahit na magaling itong aktres.

"Noong time na 'yon I remember parang tatatanggap ako ng award for 'The Greatest Love' pero ang award ko best supporting (actress). Tapos tinanong ni Callie, 'Mommy, bakit hindi best actress eh ang galing-galing mo doon?' So ang hirap i-explain sa bata, hindi ba? Ako kasi natanggap ko na within myself na lahat tayo we all have different places sa buhay. At hindi ko puwedeng asamin 'yung hindi para sa akin," ani Dimples.

"So, kahit pa grabe kang magtrabaho, if you feel that this particular position will not be good for you or your family, I also don't want to challenge what the Lord has planned for me. So kung ano ang plano Niya sa akin ay hindi bida, okay lang din 'yon, walang problema 'yon sa akin," dagdag na paliwanag ni Dimples.

Sa ngayon ay masaya si Dimples sa tagumpay ng seryeng "Bagani" kung saan mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa karakter niya bilang Gloria na isang babaylan.

"Masarap sa pakiramdam na na-appreciate ng mga ka-Bagani namin. Ang sarap kapag nagti-trending 'uy nagustuhan nila,'" ani Dimples na inaming nanibago siya aa kanyang karakter bilang isang babaylan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.